No student devices needed. Know more
10 questions
Anong kasarian ang tumutukoy sa pangngalang maaaring babae o lalaki?
Pambabae
Panlalaki
Di-tiyak
Walang Kasarian
Alin sa sumusunod na pangngalan ang panlalaki? (Higit sa isa ang sagot.)
binata
sundalo
ninong
pari
kalabaw
Alin sa sumusunod na larawan ang walang kasarian?
Ano ang kasarian ng pangngalang may salungguhit sa bugtong na ito? (Nagtago si Pedro, labas ang ulo.)
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang Kasarian
Ano ang kasarian ng mga pangngalan sa pangkat? (guro, dentista, piloto, magsasaka, tsuper)
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang Kasarian
Aling pangngalan sa pangkat ang naiiba ang kasarian?
tandang
kambing
tipaklong
ahas
Ano ang kasarian ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap na ito? (Ang mga tao ay gumagamit ng sabon sa paghuhugas ng kanilang kamay.)
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang Kasarian
Ipinagdiwang ng iyong paaralan ang Foundation Day nito. Maraming bisita ang dumating sa paaralan. Sino sa mga bisitang dumating ang kasariang panlalaki?
Ginoong Reyes
ang kambal
si doktora
mga magulang
Alin ang kasariang pambabae sa sumusunod na pangngalan? (Higit sa isa ang sagot.)
modista
ale
inhinyero
hipag
karpintero
Sumakay kayo ni tatay sa bus nang lumuwas kayo papuntang Maynila. Habang umaandar ang bus, lumapit sa inyo ang konduktor upang bigyan kayo ng tiket. Alin ang kapares na kasariang pambabae ng pangngalang may salungguhit?
modista
konduktora
dalagita
hipag
Explore all questions with a free account