No student devices needed. Know more
10 questions
Bakit mahalagang sulatin ang sintesis?
dahil puno ito ng mga repleksyon tungkol sa paksa.
dahil ito nagbibigay ng detalye at buong konsepto sa paksang tinatalakay.
dahil ito ay naglalarawan ng mga pangyayari.
dahil nagpapakita ito ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan.
Anong anyo ng sulatin ang bunga ng pinagsama-samang ideya at impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian hinggil sa isang paksa?
buod
abstrak
sintesis
talumpati
Isa itong paraan ng muling pagpapahayag sa nilalaman ng isang teksto, ngunit sa anyong mas maikli na napapanatili ang kabuuang mensahe ng orihinal na teksto.
Sintesis
Abstrak
Buod
Bionote
Katangian ng mahusay na buod ang ___________, ito ay ang paggamit ng mga pangunahing konsepto na pinagtutuunan sa orihinal na tekstong pinagmulan ng buod.
Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paliwanag sa pagkakaiba ng layunin ng sintesis na explanatory at argumentative?
Ang sintesis na explanatory ay may layuning bigyang sagot ang mga tanong ng mambabasa tungkol sa paksa, samantalang ang argumentative na sintesis ay may layuning magkaroon ng pagtatalo tungkol sa isang tiyak na paksa.
Ang sintesis na explanatory ay may layuning isa-isahin ang mga nagaganap sa isang kuwento samantalang ang sintesis na argumentative ay may layuning makapanghikayat ng mambabasa tungkol sa isang tiyak na paksa.
Ang sintesis na explanatory ay may layuning ipaliwanag ang tiyak na paksa samantalang ang sintesis na argumentative naman may layuning pagtibayin ang argumentong inilalahad ng manunulat tungkol sa isang paksa.
Ang sintesis na explanatory ay may layuning maglahad ng malikhaing pangyayari samantalang ang sintesis na argumentative ay may layuning tumalakay ng mga paksa sa iba’t ibang aspekto
Aling uri ng sintesis ang mas angkop gamitin sa paksang ito?
Bakit dumami nang dumami ang online selling sa panahong pumaimbulog ang gamit ng internet?
explanatory
argumentative
narrative
descriptive
Ginagamit ang sintesis na ito sa pagsulat ng pananaliksik, sapagkat kahingian ng ganitong akademikong sulatin ang pagrebyu ng mga kaugnay na babasahinupang mapalalim ang paksa ng pananaliksik o pag-aaral.
Thesis-driven synthesis
Background synthesis
Synthesis for the Literature
Lahat ng nabanggit
Aling uri ng sintesis ang mas angkop gamitin sa paksang ito?
Aling uri ng pamahalaan ayon sa namumuno ang mas makabubuti sa Pilipinas: Presidential o Parliamentary?
explanatory
descriptive
argumentative
narrative
Paano nakaaapekto ang mga ginamit na sanggunian ng manunulat sa kaniyang ginawang sintesis?
Nakabatay sa mga sanggunian ang kakintalan sa isip ng mga ideyang ilalahad at patutunayan ng manunulat sa kaniyang sintesis.
Nakabatay sa mga sanggunian ang kawastuhan ng mga kaisipang nabuo ng manunulat sa kaniyang sulatin at katibayan ng mga ebidensiyang inilakip sa bawat pangangatwiran.
Nakabatay sa mga sanggunian ang pagkakaroon ng makatawag-pansing pamagat ng manunulat upang makakuha ng atensiyon ng mga mambabasa.
Nakabatay sa mga sanggunian ang makapukaw-isipan o makatawag-kaloobang panimula ng sintesis na magiging tuntungan ng kabuoang paglalahad sa sintesis
Alin sa sumusunod ang HINDI nakapagtatangi sa sintesis bilang isang mabisa at mahusay na sulatin?
nakabatay sa isang sanggunian ang sintesis.
malinaw at may iisang tuon ang pangkalahatang pananaw.
matitibay ang ebidensiyang inilakip sa mga paglalahad at/o paglalarawan.
masinsing inilatag ang mga binigyang-lalim na impormasyon.
Explore all questions with a free account