No student devices needed. Know more
10 questions
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Piliin at isulat ang titik ng pinakawastong kasagutan .
Napagsabihan si Carlo ng kanyang guro dahil sa nakitang napakaraming kalat sa ilalim ng kanyang upuan. Nangatwiran siya na hindi siya ang may gawa noon, lalo lamang nadagdagan ang sermon sa kanya ng kanyang guro sa ginawa niyang pagsagot. Paglingon sa katapat na hilera ay nakita niyang nakangisi si Albert.Naisip niyang ito ang may gawa. Ano ang marapat na gawin ni Carlo sa sitwasyong ito?
Susugurin si Albert pagkatapos ng klase para awayin ito sa ginawa
Kakausapin si Albert pagkatapos ng klase para tanungin kung nakita ba niya kung sino ang may gawa ng kalat
Isusumbong si Albert sa guro na siya ang may gawa ng kalat
Hindi na lang ako papasok bukas dahil sa hiya sa klase
Ang tamang kahulugan ng pagdedesisyon ay ________________________.
tamang pagpili ng solusyon o kasagutan sa isang sitwasyon o suliranin na makabubuti sa higit na nakararami..
pagbibigay ng solusyon ayon sa kung ano ang naiisip kong tama
pagpili ng solusyon na higit na kumportable sa akin
pag-aksyon agad agad sa isang problema
Si Janine ay bagong lipat sa paaralan sa ikaanim na baitang. Wala pa siyang kakilala. Minabuti niyang pumasok ng maaga sa kanyang klase, laking gulat niya nang may mas maaga pa pala sa kanya. Inabutan niya ang isang batang babae sa silid na may kinuhang supot sa kabinet sa lamesa ng guro. Ano ang marapat na gawin ni Janine sa sitwasyong ito
Hindi na lang papansinin ang nangyari
Lalabas na lang uli ng silid at hintayin na dumating na ang guro
Uuwi na lang uli dahil baka may kung ano pang hindi magandang manyari
Kakausapin ang bata, makikipagkilala at aalamin kung ano ang bagay na kaniyang kinuha sa lamesa ng guro
Matalik kayong magkaibigan ni Zarina. Mula sa unang baitang ay kaklase mo na siya. Ngayon sa ika-anim na baitang ay pareho kayong napili para pagbotohan sa pagkapangulo sa klase. Alam mong gusting-gusto ni Zarina ang maging pangulo sa klase. Ano ang gagawin mo?
Aayaw na lang ako na pagpiliian bilang pangulo
Sasabihin ko ng palihim sa mga kaklase ko na si Zarina ang iboto
Kakausapin ko si Zarina at sasabihing ano man ang kahinatnan ay magkaibigan pa rin kami at hayaan na lang naming pagpasiyahan ito ng klase
Ipatitigil na lang ang botohan at papiliin na lang ang guro ng magiging pangulo ng klase
Sa pagdedesiyon ay kinakailangan ang katatagan ng loob. Bakit?
dahil hindi lahat ng tao ay aayon sa iyong desisyon, ngunit kailangang manindigan lalo kung ito ang makabubuti sa higit na nakararami.
dahil siguradong maraming makakaaway sa pagbibigay mo ng desisyon
dahil ikaw ang lider at dapat ay makita nilang tama para sa iyo ang desisyon mo
dahil marami ang kokontra sa desisyon
Naputol ang paa ni Mang Roger mula sa aksidente habang nagmamaneho siya ng jeep. Nalubog sila sa utang dahil sa pagpapagamot sa kanya, samantalang ang kaniyang kaso mula sa nakabangga ay patuloy pa sa korte. Si Oca ang panganay sa limang magkakapatid. Apat silang nag-aaral ngunit sa sitwasyon nila sa buhay ay halos di makapasok dahil sa kakulangan ng panggastos. Tumanggap na rin ng labada ang ina ngunit di sapat sa gastusin ng pamilya. Ano ang marapat na gawin ni Oca.
Huminto sa pag-aaral at magtinda ng sigarilyo sa kalsada para masuportahan ang pag-aaral ng mga kapatid
Mamalimos sa jeep para sa panggastos ng pamilya
Humanap ng maaaring pagkakitaan tulad ng paglalako ng kakanin at ituloy pa rin ang pag-aaral
Lumayas at humanap ng maaaring tuluyan na aampon sa kanya
Kumpletuhin ang pangungusap. “Ang taong may matatag na kalooban ay___.”
Laging tama sa kanyang desisyon
Hindi sumusuko sa anomang pagsubok at marunong manindigan sa kanyang desisyon
Madaling magdesisyon kahit hindi pa nasusuri ang sitwasyon
Hindi marunong gumawa ng tamang desisyon
Umalis ang nanay ni Rizza para magbayad ng amilyar sa munisipyo. Nagbilin siya kay Rizza na huwag aalis ng bahay hanggat di siya dumarating. Nagkataon namang may group project sila na gagawin sa bahay ng isang kaklase sa kabilang subdibisyon. Alam naman ito ng kanyang nanay at pinayagan siya. Ngunit oras na ng usapan nilang magkakagrupo ay wala pa ang nanay niya. Ano ang dapat gawin ni Rizza?
Itutuloy ang pag-alis, mag-iiwan na lang ng sulat para sa ina at iiwan ang susi ng bahay sa kapit-bahay
Aalis pa rin at ikakandado na lang ang bahay
Hindi na lang aalis pero maiinis at hindi muna papansinin ang nanay
Hihintayin pa rin ang nanay, saka aalis pagdating nito at magpapaliwanag at hihingi na lang ng paumanhin sa mga kagrupo.
May bagong transfer sa klase nila Nimfa sa araw na iyon. Iyon din ang araw na ipapakita nila ang hinandang pangkat-gawain.Siya ang lider ng kanilang pangkat at bawat isa ay may gampanin na. Sa grupo niya isinali ang bagong lipat nilang kaklase. Ano ang dapat niyang gawin?
Isasali na rin ang bagong kaklase at bibigyan ito ng kahit na maliit na gampanin upang mapabilang sa grupo
Pakiki-usapan na lang ang kaklase na saka na lang siya isasali
Hindi na lang muna papansinin ang bagong kaklase dahil kadadating lang naman nito
Isasali ang kaklase at bibigyan ito ng mahirap na gampanin upang masubok ang kakayahan
Alin sa mga pangungusap ang tama tungkol sa pagbuo ng isang desisyon?
Sa paggawa ng desisyon ay kinakailangan ang pagkaalam sa mabuti at masama.
Marapat na suriing mabuti ang sitwasyon kung ang desisyon ay makabubuti sa higit na nakararami
Ang katatagan ng loob ay kailangang taglay sa pagdedesisyon pagkat hindi lahat ng tao ay aayon sa desisyong iyong ginawa.
Lahat ay tama
Explore all questions with a free account