No student devices needed. Know more
10 questions
1. Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng mabuti. Ano ang tinutukoy na mabuti?
Ang pagkakaroon ng kalayaan.
Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
Ang magamit ang kalayaan sa tama ayon sa inaasahan
Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti
Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
konsensiya
kilos – loob
pananagutan
pagmamahal
Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao.
Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali
Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao
Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital.
Ang pananagutan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay:
Mali, dahil ang pananagutan ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa
Tama, dahil ang tunay na mapanagutang kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa
Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali?
Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali
Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan.
Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon
Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo
Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang kalayaan
Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang dito.
Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya?
Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral.
Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin
May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya
Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito
Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob
May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya
Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kaniyang naisin. Ang pangungusap ay:
Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan
Tama, dahil maraming bagay ang nais mangyari at gawin ng tao subalit hindi niya magawa ito
Tama, dahil hindi ganap ang tao
Mali, dahil magagawa ng tao ang maraming bagay dahil mayroon siyang isip at kilos loob
Explore all questions with a free account