No student devices needed. Know more
10 questions
Bakit mahalagang pangalagaan mo ang ang iyong mga kasuotan?
Upang mapanatiling maayos at malinis
Upang magmukhang bago
Upang magmukhang marumi
Upang maging maganda
Galing ka sa paaralan. Hinubad mo ang iyong uniporme upang magamit pa kinabukasan. Alin sa sumusunod na kaugalian ang dapat mong gawin upang mapangalagaan ang iyong uniporme?
Ilalagay ko ito sa hanger upang mahanginan at matuyo ang pawis
Titiklupin ko ito at ipapatong sa ibabaw ng silya
Titiklupin ko ito at ipapasok sa aparador
Hahayaan ko na lang sa ibabaw ng kama
Inihahanda mo ang damit mong isusuot sa kinabukasan. Tastas pala ang laylayan nito. Anong magandang ugali ang dapat mong ipakita?
Tatahiin ko agad ang tastas na laylayan
Papalitan ko ang damit na inihahanda ko
Kakabitan ko na lamang ng aspile bago ko isuot
Ipalililip ko sa nanay ang tastas
Namalantsa ka ng panyo at iba pang maliliit na piraso ng damit. Anong magandang kaugalian ang dapat mong ipakita matapos mong mamalantsa?
IIwan ko ang pinalantsa ko sa ibabaw ng silya
Ipatatago ko ang pinalantsa ko sa aking kapatid
Aayusin ko sa lalagyan ang aking pinalantsa
Hahayaan ko sa ibabaw ng plantsahan ang aking pinalantsa
Ginamit mo ang aspile at karayom sa iyong pananahi. Pagkatapos mong manahi anong magandang kaugalian ang dapat mong sundin?
Itutusok ko ang karayom at aspile sa tusukan at iiwan ko sa ibabaw ng mesa
Hahayaan ko ang karayom at aspile sa ibabaw ng mesa
Itutusok ko ang karayom at aspile sa damit na aking tinahi
Itutusok ko ang karayom at aspile sa tusukan at itatago ko ito sa lalagyang di maaabot ng nakababatang kapatid
Bakit mahalagang magkaroon ng maayos at malinis na kasuotan?
Sapagkat ito ay kaaya-aya at magandang tingnan
Sapagkat ito ay marumi sa paningin
Sapagkat ito ay pangit tingnan
Sapagkat ito ay di dapat tingnan
Kapag narumihan at namantsahan ang iyong damit, ano ang una mong gagawin?
Lalabahan kaagad
Hahayaan na lang matuyo
Pababayaan na lang
Itatago na lamang
Ugaliing magsuot ng tamang damit pantulog tulad ng pajama at daster. Bakit kinakailangan itong gawin?
Upang maging maginhawa ang pakiramdam
Upang maging mainit ang pakiramdam
Upang maging masikip sa katawan
Upang maging marumi ang pakiramdam
Bakit mahalagang huwag umupo kaagad-agad kung saan-saang lugar?
Upang hindi mapagalitan
Upang hindi marumihan
Upang hindi mainitan
Upang hindi mapagod
Ano ang dapat gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
Ayusin ang pleats ng palda
Ipagpag muna ang palda
Ibuka ang palda
Basta na lang umupo
Explore all questions with a free account