No student devices needed. Know more
11 questions
Bakit mahalaga na dapat ay may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok? (tatlo ang sagot)
Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kaniyang __________.
Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa kanyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapitbahay.
Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-dapat mamuno.
Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapag-aaral sa kanilang lugar upang matuntong bumasa at sumulat.
Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay sapagkat inalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Anong antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
Ano-ano ang dapat Makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Bayanihan
Kayamanan
Malasakit
Panahon
Talento
Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
Kabutihang Panlahat
Pagkakaisa
Pagtataguyod ng Pananagutan
Pag-unlad
Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
Isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o puwersahin ang tao upang isagawa ito
Maaaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa
Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa
Taglay ito ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa.
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
Nagkakaroon ang tao ng dahilan upang maglibang at gamitin ang oras.
Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
Nagkakaroon siya ng personal na pag-unlad.
Paano nakatulong ang araling ito sa pagtingin at pakikipag-ugnayan mo sa iyong lipunan?
Explore all questions with a free account