No student devices needed. Know more
48 questions
I. Isulat ang pang-abay na ginamit sa pangungusap.
Dahil mahina na ang kanyang pandinig, medyo malakas magsalita si Lolo.
Mahinahon niyang ipinaliwanag ang dahilan ng kanyang pag-alis sa trabaho.
Si Luisa ay umalis ng bahay nang mag-isa kaninang madaling-araw.
Sadyang baligtad na ikinabit ang larawan sa pader.
Ang mga gusali sa pook ng digmaan ay lubusang giba.
Labis na mapagmahal ang mga magulang namin.
Si Manny Pacquiao ay tunay na tanyag sa larangan ng boksing.
Patakbong tinungo ni Mario ang kusina kung saan nanggaling ang usok.
Ang kanyang kasintahan ay buong-puso niyang hinandugan ng awit.
Talagang maingat magmaneho si Kuya Richard lalo na kapag umuulan.
Masyadong malimit manigarilyo ang drayber ng dyip.
Ang bata ay taimtim na nagdarasal para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
Sa amo niya isinabi nang mariin ang kanyang mga daing.
Ang ahas ay dahan-dahan na gumagapang sa madamong lugar.
Pinag-aralan niya nang puspusan ang paksang ito.
II. Piliin ang angkop na Pang-abay sa pangungusap.
Wala akong masakyan ____________ nahuli ako sa klase.
kasi
lang
kaya
Malungkot ___________ si Carmen. Wala siyang imik buong umaga.
sana
yata
man
Magmeryenda _________ tayo bago natin gawin ang takdang-aralin.
muna
tuloy
pala
Narito na ____________ si Tatay! Akala ko mamayang gabi pa siya makakauwi.
rin
naman
pala
________________ mataas ang makuha kong marka sa pagsusulit.
Sana
Naman
Lamang
Sandali ____________. Malapit na ako matapos.
man
lang
kasi
Naggigitara ka? Marunong ___________ tumugtog ng gitara ang aking kapatid.
din
pa
kaya
Pumapalakpak ang mga manonood. Natapos _________ ang programa.
ba
na
pa
Nadapa ka na _____________? Pangatlong sugat mo na ito ngayon.
nga
raw
naman
Hindi _____________ duamarating ang sundo ko. Kanina ko pa nga hinihintay.
na
pa
ba
Hinahanap ka ni Ginang Ramos. Kailangan ka ________ niyang makausap.
raw
pala
sana
Matulungin na bata si Cristina. Tinulungan _________ niya ako sa paglinis ng bakuran.
nga
lang
yata
Dapat pangalagaan ang mga karapatan ng bawat bata, mayaman ___________ o mahirap.
din
lang
man
Sinabi mo na ___________ kay Nanay ang magandang balita?
ba
kasi
muna
Hindi ka kasi nakikinig sa guro. Hindi mo ______________ alam ang gagawin sa klase.
kaya
lang
tuloy
III. Piliin sa pagpipilian kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.
Maingat niyang ibinuhos ang alak sa baso.
Pang-uri
Pang-abay
Maingat siya habang binubuhos ang alak sa baso.
Pang-abay
Pang-uri
Matagal ang pagtatalakay ng isyung ito sa Senado
Pang-abay
Pang-uri
Ang isyung ito ay itinalakay nang matagal sa Senado.
Pang-abay
Pang-uri
Ang pasasalamat ng naulilang bata ay mataimtim.
Pang-abay
Pang-uri
Mataimtim na nagpapasalamat ang naulilang bata.
Pang-abay
Pang-uri
Ang mungkahi niya ang malungkot kong tinanggihan.
Pang-abay
Pang-uri
Malungkot ako dahil tinanggihan ko ang mungkahi niya.
Pang-uri
Pang-abay
Ang mga bisita ay magiliw niyang inanyayahang pumasok sa sala.
Pang-uri
Pang-abay
Magiliw ang nag-anyaya sa mga bisita na pumasok sa sala.
Pang-uri
Pang-abay
Malinaw ang mensaheng ipinahiwatig ng kinatawan ng pangulo.
Pang-uri
Pang-abay
Ang mensahe ng pangulo ay malinaw na ipinahiwatig ng kanyang kinatawan.
Pang-uri
Pang-abay
Matamlay na sinagot ng pasyente ang mga tanong ng doktor.
Pang-uri
Pang-abay
Ang mga tanong ng doktor ay sinagot ng matamlay na pasyente.
Pang-uri
Pang-abay
Tahimik si Alicia habang nagbabasa sa loob ng kanyang silid.
Pang-uri
Pang-abay
Nagbabasa nang tahimik si Alicia sa loob ng kanyang silid.
Pang-uri
Pang-abay
Ang aking binasa ay lubos na naunawaan ko.
Pang-uri
Pang-abay
Lubos ang pag-unawa ko sa aking binasa.
Pang-uri
Pang-abay
Explore all questions with a free account