No student devices needed. Know more
10 questions
Dumating si tatay at inutusan ka niyang iabot ang kaniyang tsinelas, dahil siya ay pagod mula sa trabaho. Ano ang dapat mong gawin?
Susundin ko ang utos ni tatay.
Kunwari ay hindi ko siya narinig.
Magtutulug-tulugan ako.
Lalabas ako ng bahay.
Si Joshua ay inutusan ng kaniyang lola na tigilan na ang paglalaro at mag-aral na lamang. Ano ang dapat niyang gawin?
Hindi susundin si lola dahil masarap maglaro.
Sisimangutan si lola dahil gusto pa niyang maglaro.
Susundin si lola dahil tama ito.
Tataguan si lola upang makapaglaro ulit.
Malapit na ang anibersaryo ng kasal ng inyong nanay at tatay. Sinabi ng iyong ate na mag-iipon kayo mula sa inyong baon. Susundin mo ba siya?
Hindi po. Sasabihin ko kay ate na siya na lamang ang mag-ipon.
Opo. Nais ko ring mabigyan ng regalo sila nanay at tatay.
Hindi ko siya susundin. Ibibili ko ng laruan ang sobra kong baon.
Opo mag-iipon ako pero para sa pambili ko ng kendi.
Sa paanong paraan mo maaaring ipakita ang paggalang sa magulang at iba pang kasapi ng pamilya?
Babalewalain ko ang utos nila.
Susundin ko ang utos nila.
Susuwayin ko ang utos nila.
Palagi akong magtatago sa tuwing uutusan nila.
Tumatawid ka sa kalsada nang may makasabay kang matanda na maraming bitbit. Ano kaya ang dapat mong gawin?
Iiwanan ko siya, hindi ko naman siya kilala.
Bibilisan kong tumawid ng kalsada.
Tutulungan ko ang matanda sa kanyang mga bitbit.
Kunwari ay hindi ko siya napansin.
Pinakiusapan ka ng janitor ng paaralan natulungan mo siyang mamulot ng mga tuyong dahon sa paligid ng paaralan. Gagawin mo ba ito?
Tutulungan ko siya dahil iyon ay para sa kabutihan ng lahat.
Hindi ko siya tutulungan, di ko naman iyon gawain.
Hindi ko iyon gagawin sapagkat maglalaro pa ako.
Sasabihin kong ibang bata na lamang ang utusan niya.
Marami pang guro sa inyong paaralan bukod sa iyong guro. Inutusan ka ng isa sa kanila na tulungan siyang magdala ng aklat. Anong gagawin mo?
Hindi ko siya papansinin dahil hindi naman niya ako estudyante.
Ituturo ko sa kaniya ang iba kong kaklase para utusan.
Susundin ko ang iniuutos niya sa akin sa pagkat tungkulin kong sumunod sa nakatatanda.
Tatakbo ako nang mabilis upang hindi niya mautusan.
Nakita mong sinusulatan ng kaklase mo ang upuan sa loob ng simbahan. Anong gagawin mo?
Sasawayin ko siya at pagsasabihan na mali iyon.
Kukuha rin ako ng panulat at sasamahan siyang magsulat.
Pupunta ako sa ibang lugar sa simbahan upang doon naman magsulat.
Hahayaan ko lamang siyang gawin iyon.
Hindi kumakain ng karne ng baboy ang iyong kamag-aral dahil sa kaniyang relihiyon. Ano kaya ang dapat mong gawin?
Igagalang ko ang kanilang paniniwala.
Pipilitin ko siyang kumain nito.
Hindi ko siya papansinin.
Aawayin ko siya.
Ano kaya ang mararamdaman ng iyong kaklase minsang pinagtawanan ninyo siya dahil sa iba ang kaniyang relihiyon?
Matutuwa
Malulungkot
Matatawa
Sasaya
Explore all questions with a free account