10 questions
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa reuse ng 3Rs?
Pagrerefill ng plastic bottle upang muling pag-inuman
Pagbebenta ng plastic sa junk shop upang dalhin sa recycling center
Pagbili nang bultuhan kaysa isa-isang bote ng tubig.
Pagbili ng tubig na nakalagay sa box carton kaysa plastic bottle
Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kalikasan?
Seryosong sinusunod ni Bebe Boy ang pagsesegregate ng basura.
Nagpaanod sa sapa si John Alien ng mga bangkang papel na may liham niya tungkol sa damdamin niya sa kapaligiran.
Regular na tinatabas ni Chubbylita ang mga damo sa tapat ng kanyang bahay
Bumili ng muffler silencer si Nenefer upang hindi maging maingay ang minamaneho niyang motorsiklo.
Bakit nakasisira ng kapaligiran ang konsyumerismo?
Tuluyang nauubos ang mga pinagkukunang-yaman dahil sa walang katapusan at hindi matalinong pagbili at paggamit ng produkto ng mga tao
Dahil sa pagdami ng produkto sa merkado, dumadami rin ang basura sa ating kapaligiran na siyang nagiging dahilan ng polusyon
Ang mga taong hindi matalino sa pagbili ng produkto ang siyang nagpapainit sa mundo
Hindi mahusay ang mga produktong bunga ng modernisasyon at globalisasyon
Ano ang ibig sabihin ng illegal logging?
Pagpuputol ng puno nang walang pahintulot mula sa pamahalaan
Pagpuputol ng puno
Paggamit sa Facebook account ng ibang tao
Pagsusunog ng lupa upang pagtamnan ng panibagong puno o halaman
Bakit inaasahang lulubog ang maraming bahagi ng Metro Manila sa taong 2050?
Dahil sa climate change
Dahil sa gravity
Dahil sa overpopulation
Dahil hindi mahusay ang construction mga gusali sa mga lugar na ito.
Sino ang matalino sa paggamit ng likas na yaman?
Ginamit ni Piklot na pambuhos sa inodoro ang naipon niyang tubig-ulan
Kahit umuulan, nagdilig pa rin ng mga halaman si Boogy.
Ininom ni Ram ang tubig-ulan dahil ito raw di umano ay purong natural at walang halong kemikal
Tuwing may ulan lang naliligo si Duday.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo?
Kaingin method
Muro-ami method
Dynamite fishing
Cyanide fishing
Ano ang kahulugan ng 3Rs?
Reduce, reuse, recycle
Reading, writing, arithmetic
Replace, revolution, reformation
Reincarnation, resurrection, renaissance
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin upang maipagmalasakit ang kalikasan?
Lahat ng pagpipilian ay wasto
Mamuhay nang simple
Maging matalino sa pagpapasiya
Pagsasabuhay ng 3Rs
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa kalikasan?
Lahat ng salik, may buhay man o wala, na nakatutulong sa atin upang ipagpatuloy ang ating buhay
Lahat ng nasa ating kapaligiran, may buhay man o wala
Lahat ng mga bagay na may buhay
Lahat ng mga bagay na maaaring gawing pagkain upang maipagpatuloy natin ang malusog na pamumuhay