No student devices needed. Know more
10 questions
Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.
Ano ang paksa ng teksto?
Maagang gumising ang mga tao
ang bawat isa ay abala
araw ng kasal ni Eloisa
May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.
Ano ang paksa o tema ng teksto?
may iba`t-ibang kahulugan ang kulay
ang asul ay kapayapaan
ang pula ay katapangan
Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Maraming bagay ang matututunan natin sa pagbabasa. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
ang aklat ay nagbibigay ng iba`t-ibang impormasyon
ang dating pagkatao ay nagbabago rin
ang kahalagahan ng aklat
Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng karamihan ay ang Kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay- galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
pinakahihintay ng lahat ang araw ng Kapaskuhan
ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda
ang mga bagong damit at sapatos ay kinasasabikan ng mga paslit
Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala Avenue, Makati City. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa
Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati
Kilalang-kilala ang lungsod na ito
Isang mabait na bata si Joy, Lagi siyang kinagigiliwan ng kanyang mga kalaro. Hindi siya nakikipag-away sa kapwa niya kaya naman marami siyang kaibigan.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
marami siyang kaibigan
mabait na bata si Joy
Lagi siyang kinagigiliwan ng kanyang mga kalaro
Sa umaga pagkagising ni Lena ay nagliligpit siya ng kanyang hinigaan. Natutuhan na din niya ang paliligo at pagbibihis ng damit pang-eskwela. Pagkakain naman ng almusal ay hinuhugasan na din niya ang kanyang pinagkainan. Si Lena ay batang masipag.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
nagliligpit siya ng kanyang hinigaan
Natutuhan na din niya ang paliligo at pagbibihis
Si Lena ay batang masipag
Si Langgam ay palaging nag-iipon ng kanyang pagkain. Wala siyang sinasayang na panahon. Masipag si Langgam. Lalo pa siyang sinisipag kung maganda ang sikat ng araw at banayad ang simoy ng hangin. Sa panahon ng tag-ulan, hindi nagugutom si Langgam.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
hindi nagugutom si Langgam.
SI Langgam ay palaging nag-iipon
Masipag si Langgam
Ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Iskawt. Sa pagiging iskawt, natututuhan namin ang sumunod at gumalang sa nakakatanda, tumulong sa kapwa, maging kapakipakinabang at higit sa lahat mahalin ang sariling bayan. Ganyan ang batang iskawt!
Ano ang tema o paksa ng teksto.
sumunod at gumalang sa nakakatanda
tumulong sa kapwa
ang batang iskawt
Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito at nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok na parang hagdan patungo sa langit. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-kahangang tanawin.
Ano ang tema o paksa ng teksto.
Ang hagdan-hagdang palayan
ang kanilang kabundukan
Tinataniman nila ito ng palay
Explore all questions with a free account