No student devices needed. Know more
10 questions
Ano ang dapat mong gawin kung may biglang tumawag sayo sa telepono at sinabing nasa hospital ang iyong nanay at kailangang magdala ng pera ?
Maniniwala ako agad sa tumawag at pupunta agad sa hospital.
Kukuha ako ng pera sa cabinet at pupunta ako agad sa hospital.
Kukunin ko ang impormasyon para alam ko kung saan ako pupunta.
Hindi ako maniniwala agad sa balita dahil maraming manloloko ngayon.
Bakit kailangang suriin nang mabuti ang patalastas na nabasa o narinig?
Lahat ng nababasang patalastas ay laging tama.
Maniwala agad dahil maganda ang patalastas.
Suriin nang mabuti kung ito ay totoo at nakakatulong sa atin.
Nakakatulong ito sa lahat kahit hindi na alamin kung ito ay mabuti.
Ano ang mabuting maidudulot ng tamang pagpili at pag-alam sa katotohanan ng isang impormasyon?
Magkakaroon ka ng pera.
Magiging sikat ka sa paaralan.
Maililigtas mo ang iyong buhay.
Gaganda ang buhay ng pamilya mo
Nakakaalarma ang mga programang pantelebisyon na nagpapakita ng kalupitan sa mga kabataan. Ano ang dapat mong gawin bilang manonood?
Huwag na lang itong pansinin.
Pakinggan at kalimutan agad
Itanong sa nanay kung bakit nangyayari iyon.
Maghanap ng kaibigan na mapagtatanungan.
Nakita mo ang iyong kapatid na buong araw na nakaharap sa computer at nagbabasa ng iba’t ibang site. Ano ang dapat mong gawin?
Sasamahan ko siya sa panonood ng computer
Hahayaan ko lang siya hanggang gusto niyang manood
Tatanggalin ko ang saksakan ng computer para di sya makapanood
Sasabihan na hindi maganda ang sobrang paggamit ng computer
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng negatibong epekto ng gadget sa kabataan?
Lumalawak ang kaalaman tungkol sa teknolohiya.
Natututuhan ang mga modernong awitin at sayaw.
Ginagawa ang takdang aralin nang mabilis.
Ginagamit pa rin ang gadget kahit nasa hapag kainan.
Ang pagbabasa, panonood ng telebisyon at pakikinig ay ilan lamang sa mga pinagkakaabalahang gawain. Ano ang dapat gawin upang mas maging kapaki-pakinabang ito sa iyo?
Sabay-sabay itong gagawin kung kinakailangan.
Natutuhan mo dapat ang pagliligpit ng sariling kalat.
Kailangan na mahabang oras ang iginugugol mo rito.
Dapat suriin kung may mabuti o di-mabuting epekto ito sa iyo.
Anong kabutihan ang naidudulot ng palagiang pagbabasa ng dyaryo?
Dagdag gastos sa mga tao.
Napapasakit nito ang ulo ng tao.
Sinisira nito ang pag-iisip ng maraming tao.
Pinapalawak ang kaalaman sa iba’t-ibang bagay.
Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang masamang epekto ng iba’t-ibang babasahin?
Pipiliin ko ang mga magasin na mamahalin.
Magpapanggap akong matured akong mag-isip.
Pipiliin ko ang aking babasahin na tama sa aking edad.
Magdamag akong magbabasa ng magasin dahil maganda ito.
Alin sa mga babasahing ito ang nararapat pagtuunan ng pansin?
Komiks
Aklat tungkol sa karahasan
Pahayagan na may pornograpiya
Pahayagan ng kagandahang asal
Explore all questions with a free account