No student devices needed. Know more
20 questions
Marami kang takdang aralin, ngunit kailangan mo maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay. Gusto mong hingiin ang tulong ng iyong nakababatang kapatid, paano mo ito gagawin o sasabihin?
Ikaw na ang maghugas ng pinggan at maglinis ng bahay, marami akong takdang aralin.
Pakitulungan mo naman ako sa paghuhugas at paglilinis ng bahay, kailangan ko kasi matapos agad para sa makagawa agad ng takdang aralin.
Uy, hati tayo, ikaw maglinis ng bahay, ako maghugas ng pinggan.
Sabihan ang iyong nanay na utusan ang kapatid dahil marami kang kailangang gawin.
Ano ang HINDI totoo tungkol sa Lipunang Sibil?
Ito ay boluntaryong pagtulong sa kapuwa.
Hindi ito mula sa mga pulitiko o pamahalaan.
Isinusulong nito ang pansariling interes ng mga pribadong indibidwal.
Tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan na hindi naibibigay ng pamahalaan
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa lipunang sibil?
Media
Simbahan
Senado
Non-Government Organizations
Layunin ng lipunang sibil na ito na ipahayag ang katotohanan, napapanahon at mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan.
Simbahan
Midya
Radyo
Balita
Paano nakatutulong ang lipunang sibil sa pagtugon sa pangangailangan ng nakararami?
Tinutugunan nila ang pangangailangan ng mga mamamayang hindi naaabot ng pamahalaan.
Sa pamamagitan nito maisusulong ang pagdadamayan at pagtutulungan.
Isinusulong nito ang pagiging responsableng mamamayan.
Nagbibigay sila ng pagkakataon sa mga nangangailangan na ipahayag ang kanilang saloobin at pangangailangan.
Bahagi ng layunin ng lipunang sibil na ito na gabayan ang mamamayan na matagpuan ang halaga ng kanilang buhay at ang mapa-unlad ang kanilang buhay-ispiritwal.
Paaralan
Simbahan
Midya
Church Servers
Si Malala Yousafsai, isang kabataang Pakistani ay ipinaglaban ang karapatan ng mga kabataang babae na makapag-aral. Ano ang paraan niya ng pagsulong ng karapatang ito?
Gumawa siya ng blog sa internet kung saan ipinahayag niya ang hirap ng pag-aaral ng mga kabataang Pakistani at ang halaga nito.
Gumawa siya ng liham para sa mga lider ng Pakistan na suportahan ang pag-aaral ng mga kabataang babae.
Hinikayat niya na magsagawa ng rally ang kapuwa niya kabataan.
Gumawa sila ng vigil bilang pagkundena sa pag-aalis ng karapatang mag-aral ng mga kababaihan.
Ang mga sumusunod ay katangian ng lipunang sibil, MALIBAN sa:
Pagsulong ng personal na interes.
Pagiging organisado.
Pagkukusang-loob,
Bukas na pakikipagtalastasan.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng lipunang sibil?
Gawad Kalinga
Bantay Bata
Department of Social Welfare and Development
Peace Advocates Zamboanga
Si Tony Meloto ay Pilipinong inhinyero sa Amerika, nagbalik siya sa Pilipinas at itinatag ang non-government organization na "Gawad Kalinga". Saan nakilala ang organisasyong ito?
Pagpapakain sa mga homeless na kababayan.
Pangangalaga sa mga ligaw na hayop sa kalye.
Boluntaryong pagseserbisyo upang magawa ang disente at makukulay na bahay.
Pagbibigay ng iskolar sa mga nais maging inhinyero.
Ano ang HINDI kabilang sa mga sumusunod?
Radyo
Telebisyon
Newspaper
Computer Games
Bakit patuloy ang pangangailangan ng tao na maging bahagi ng pangkat pang-relihiyon?
Ito ay bahagi ng pagpapalaki ng ating mga magulang.
Nakasanayang kultura mula sa pagkabata.
Sapagkat nakatutulong ito na matuklasan nila ang katuturan ng kanilang buhay.
Maraming nakikilala at nabubuong pagkakaibigan.
Anong lipunang sibil ang makatutulong sa mamamayan na manatiling may kaalaman sa napapanahong krisis pangkalusugan ng bansa?
Department of Health
Malacanang Press
Opisyal na Facebook Page ng Barangay
News Program ng mga estasyon sa telebisyon.
Ayon kay Papa Juan Pablo II, 1999, ang kapangyarihan ng ____________ ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi ay pag-ibig na lumilikha.
Midya
Simbahan
Pamilya
Pamahalaan
Ano ang pinakatunguhin ng pagtatatag ng lipunang sibil?
pagtulong sa nangangailangan
sumuporta sa pamahalaan
pakikipamuhay kasama ang kapuwa
pagtamo ng kabutihang panlahat
Pagkilos na hindi ipinilit o kusang-loob at may layuning makatulong sa iba.
Utos
Bolunterismo
Tungkulin
Obligasyon
Ang _____________ ay non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga at pagpapahalaga sa ating kalikasan.
PAWS
Greenpeace
Gabriela
Singles for Christ
Ang "Stay at Home" na kampanya ngayong panahon ng pandemic ay inilunsad ng pamahalaan at sinusuportahan ng lahat ng pribado ay pampublikong ahensya. Ano ang layunin nito?
Ang hindi pagkalat ng sakit na Covid 19 at mapanatili ang maayos na kalusugan ng nakararami.
Maiwasan ang traffic upang mabilis ang pagresponde ng mga frontliners.
Hindi mahawaan ng sakit ang mga kabataan .
Magpatuloy ang trabaho kahit nasa kani-kanilang tahanan.
Kusang-loob na pag-organisa tungo sa sama-samang pagtulong sa bawat isa.
#thisworldisours ay kampanya ng Earth Day Organization. Hinihimok nito ang lahat na gumawa ng pagkilos na maaaring makatulong sa ating kalikasan. Ikaw, bilang kabataan, ano ang maaari mong mai-ambag sa pangangalaga ng ating kalikasan?
Explore all questions with a free account