No student devices needed. Know more
19 questions
Ito ay bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak.
bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal
makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa
susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo
Ang ___________ ay orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata.
kalusugan
edukasyon
buhay
pagkain at tahahan
Ang pamilya San Pedro ay may kakayanan sa buhay ngunit nananatiling simple ang uri ng kanilang pamumuhay lalo na sa kanilang mga anak .Anong pagpapahalaga ang nananatiling isinasabuhay ng mag-anak?
pagtanggap
pagmamahal
pag-iingat
katarungan
Hindi biro ang responsibilidad ng isang magulang mahirap o mayaman ang uri ng pamumuhay . Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng kanilang mga misyon sakanilan pamilya?
Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang lahat ng kasapi ng pamilya.
Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na karanasan.
Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan.
Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang pagpapahalaga sa mga gawaing ispirituwal MALIBAN sa
Ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya.
Maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral ng pananampalataya.
Iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya.
Ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya.
Ito ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng mabuting pagpapasiya.
pagtuturo ng magulang ng mga birtud at pagpapahalaga
pagkakaroon ng ganap na kalayaan
pagtataglay ng labis na karunungan
buong pagtitiwala
Ang pamilya Montano ay masiglang umaawit at sabay-sabay na nagpupuri sa Diyos sa loob ng simbahan tuwing linggo ,ginagawa din nila ito sa kanilang tahanan. Sa iyong palagay nagpapalakas ba sa buhay ispiriwal ng pamilya ang kanilang ginagawa?
Tama
Mali
Mas malalim ang mensaheng maibibigay na aral ng pananampalataya kung_____________.
mararanasan sa pang-araw- araw na buhay
mapapakinggan araw-araw
maibahagi sa iba
iparanas sa mga kapitbahay
Labing tatlong taon na si Maria at lahat ng bagay ay maaari at kaya na niyang gawin basta't hindi ito ikasisira ng kanyang sarili. Anong bagay ang malaya niyang tinatamasa ngayon ngunit may kaakibat na limitasyon?
kalayaan
dignidad
kakayahan
katangian
Ang mga magulang ay katuwang ng Diyos sa paglalang at dapat na mahalin ang mga anak tulad ng pagmamahal sa kanila ng Diyos. Ibig sabihin nito sila ay tumutugon sa utos Niya na "Humayo at magpakarami".
Tama
Mali
Si Luis ay ipinanganak na mahirap,bagama't mataas ang mga pangarap hindi siya maiinggiting bata.Naniniwala siyang makakamit ang kanyang mga ninanais ng may pagsisikap dahil ito ang itinuro ng kanyang mga magulang.Sa iyong palagay bakit mahalaga sa kanya ang mamuhay ng simple?
Dahil mahalagang maisabuhay niya ang pagiging mapagpakumbaba.
Dahil nasanay siyang na maging masaya at kuntento sa mga munting biyaya.
Dahil siya ay lumaking marunong magpahalaga sa perang kanilang pinaghirapan
Dahil nasa puso niya na mas mahalaga ang kung ano siya at hindi sa kung anong meron siya
Anong dahilan kung bakit ang mga magulang ay itinuturing na una at pangunahing guro ng kanilang anak?
Ang mga magulang ay katuwang ng mga institusyon ng lipunan sa pagtuturo sa kanilang mga anak
Biniyayaan ng Diyos ang mga magulang ng katungkulang maging guro ng mga anak
Ang mga kilos at gawi ng mga magulang ay tinutularan ng mga bata
nakasalalay sa mga magulang ang pundasyon ng edukasyon ng mga anak.
Ang nabubuong kapasyahan ng isang bata mula pa sa kanyang pagkabata ang nagtatakda kung anong landas ang kanyang tatahakin sa hinaharap.
Tama
Mali
Ano ang tunay na tunguhin ng isang tao ay_______________?
Makamit ang kanyang mga layunin at ambisyon sa buhay
Makamit ang kanyang kaligayahan at kaganapan bilang tao
Maging mabuti at mapanagutang tao
Maging mabuting magulang sa hinaharap
Matalino si Marla matataas ang mga grado ,Madalas siyang hingian ng tulong sa paggawa ng takdang aralin ng kanyang kaibigan dahil mahina ito.Ngunit pagkatapos niya itong tulungan ng walang hinihinging anumang kapalit walang ginagawang kusang pagpapasalamat sa kanya ng kaibigan bagkus madalas niya itong iniiwanan at iniiwasan pagkatapos. Ano ang nalalabag ng kaibigan sa pagkatao ni Marla?
katarungan
kapayapaan
kalayaan
kaayusan
Sa tahanan nila Mang Carlos ay makikitang malapit ang mag-anak sa Diyos at kahit anumang pagsubok ang nararanasan ng kanilang pamilya nananatili ang pag-asa sa kanilang mga puso na malalampasan ang kahit anumang suliranin dahil naniniwala silang kapag ang Diyos ang sentro ng buhay ng pamilya magiging magaan ang lahat.
Tama
Mali
Sa anong paraan naituturo sa mga anak ang pag-asa?
tumulong sa kapwa sa piling oras
alalayan ang mga anak sa lahat ng suliranin
samahan ang mga anak sa mga lugar na kaaya-aya
pagbisita sa mga maysakit ngunit patuloy na lumalaban para mabuhay
Ano ang bunga ng maling pagpili?
pagtakwil
pagdikta
pagsisisi
pagsasarili
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagmamahal na walang kapalit?
Pag-aaruga at pagsasakripisyo ng mga magulang sa anak
Pagmamano sa mga nakakatanda
Pagtulong sa kapwa sa piling pagkakataon
madalas na pangongopya ng takdang aralin sa kamag-aral
Explore all questions with a free account