No student devices needed. Know more
20 questions
Ito ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon,sapagkat may pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao.
pangamba
pagmamahal
pakikinig
pagtalikod
Alin sa mga sumusunod ang pinakamarapat mong gawin kung ikaw ay makikipagtalo o nakikipagpaliwanagan,lalo na sa minamahal ?
Hayaan ang sarili na maglabas ng saloobin hangga’t mawala ang galit.
Piling salita lamang ang sasabihin upang hindi makapanakit ng damdamin.
Huwag ninyong hayaang maglayo ang inyong mga kalooban.
Makinig sa sinasabi ng kausap ngunit hindi ito isasapuso.
Alin sa sumusunod na kataga ang sagot ng mga tao sa kuwento ng isang guro sa ilog Ganghes tungkol sa tanong niyang “Bakit sumisigaw ang tao sa pakikipag-usap kung siya ay nagagalit”?
Hindi naririnig ng kausap ang kanyang sinasabi.
Ayaw niyang masapawan ang mataas niyang ego.
Hindi makapagtimping sumagot dahil sa sama ng loob.
Nawawalan ng pasensiya kaya sumusigaw.
Ang ______________ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at pinahahalagahan,kabilang dito ang wika,kilos,tono ng boses,katayuan,uri ng pamumuhay at mga gawa.
mensahe
komunikasyon
diyalogo
monologo
Ito ay daan upang maipahayag ng bawat kasapi ng pamilya ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang ayon gayon din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t-isa.
Di tuwirang pakikipag-usap
Malinaw at hindi tuwirang pakikipag-usap
Bukas at tapat na komunikasyon
Panahon at oras
Sa sining na ito nagsisimula ang dalawang tao kapag sila ay dumudulog sa diyalogo nang may lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa.
pakikinig
pagkumbinsi
paghahayag
pakikisimpatya
Kung ang dalawang tao ay dumudulog sa diyalogo sila ay dapat nakahandang tumayo sa tinatawag na makipot na tuntungan na ayon kay Martin Buber ay tinatawag na_________.
I -thou
I-it
conditioning
listening
May mga alitan ang magkapatid na Pinky at Pancho ngunit madalas nila itong napapag-usapan at pinakikinggan ang bawat sinasabi.Kapwa ayaw tiisin ang isat-isa sa anumang argumento kaya lalo pa silang nagmamahalan, dahil naniniwala silang walang problemang hindi nalulutas kung ang tao ay handang makinig at magpagpakumbaba.
Tama
Mali
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng aktibong pakikinig sa kausap lalo na sa kasapi ng pamilya MALIBAN sa
Mauunawaan ang sinasabi ng kausap.
Nagpapakita ito ng paggalang at pagtanggap sa pananaw ng nagsasalita.
Mabisa itong gawi sa pag-uunawaan ng pamilya.
Makadaragdag ng tensiyon sa hindi nag-kakaunawaan.
Si Alvin ay isang batang mabait na kinagigiliwan ng karamihan ngunit siya ay madalas nananahimik at laging lumalayo sa tuwing mayroon itong problema at hindi nagugustuhan sa kanyang kapwa. Anong hadlang sa komunikasyon ang ipinabkikita niya?
Pagiging umid o walang kibo
Mali o magkaibang pananaw
Pagkainis o ilag sa kausap
Takot na ang sasabihin ay diribdibin
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong pagbabago sa komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon?
Entitlement mentality
Legal na paghihiwalay ng mag-asawa.
Ang pamilya ay may kamalayan sa kanilang Kalayaan bilang tao.
Kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda.
Ang ___________ay paraan upang mapabuti ang komunikasyon sa pamilya na ginagamit ang talino at malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan sa pagpapahayag ng sasabihin.
Cooperativeness
Care and concern
Creativeness
Personal
Ito ay paraan upang mapabuti ang komunikasyon sa pamilya na ang usapan ay hindi pagsasangkot o naninisi sa ibang tao.
Pagiging hayag o bukas
Pag-aala o malasakit
Atin-atin o personal
Pagiging malikhain
Ano ang ibig sabihin ng mga katagang “Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at Karapatan”?
Tumingin kung saan kumportable habang nakikipag-usap.
Huwag mabitaw ng masasakit na salita sa kausap.
Makinig sa sinasabi ng kausap ngunit pipiliin ang uunawain.
Kalimutan Kung may pinsalang nagawa ang kausap.
Madalas mong makita sa iyong mga magulang ang pagiging mahinahon sa pakikipag-usap lalo na kung may pinagdaraanang pagsubok ang inyong pamilya.Naniniwala silang mas mabilis ang paglutas sa suliranin kung ito ay pinag-uusapan at hindi pinagtatalunan.
Tama
Mali
May ugali kang hindi nagugustuhan ng mga taong nakapaligid sa iyo ,sa kadahilanang lagi kang may hinahanap na mood sa pakikipag-usap sa tao at naniniwala kang mas mabuting manahimik kahit na kailangan ang iyong opinyon.
Tama
Mali
Nakatanggap ka ng liham galing sa iyong lola dahil nais niyang iparating ang pagbati sa iyo dahil kaarawan mo. Siya ay nasa malayong lugar. Ang makalumang paraan ng komumikasyon ito ay tinatawag na____________.
pagrarali
asenyas
asulat
pasalita
Ang mga sumusunod ay maaaring gabay upang laging bukas ang komunikasyon sa loob ng pamilya MALIBAN sa
Kung hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kausap ibaling ang atensiyon sa iba.
Ibigay ang buong atensiyon sa kausap.
pigilin ang sarili kung hindi nagugustuhan ang sinasabi ng kausap.
tanggapin ang sinasabi ng kausap nang may kababaang loob.
Bakit mahalagang maging masigla sa pakikipag-usap lalo na sa kasapi ng pamilya?
Dahil nakaaakit ng tiwala sa kausap
Dahil nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang loob
Dahil nakakalulugod ito sa tingin ng iba
Dahil naipagmamalaki na maayos ang pakikipag-ugnayan mo.
Mahalaga sa tao ang katapatan at integridad hindi lamang sa salita kundi sa gawa sapagkat ___________.
ayaw ng tao ang mapagkunwari at mapagpanggap.
mabigat dalhin sa puso ang suliranin.
ang katotohanan ang magpapalaya sa tao.
ang buhay ng tao ay maaaring maging isang pamumuhay ng kasinungalingan.
Explore all questions with a free account