No student devices needed. Know more
10 questions
Ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik. At kayo padre Salvi, anong silbi ninyong mga prayle kung maghihimagsik ang bayan? At huwag kayong bumanggit ng mga katuwirang pawang katunggakan. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
Kalokohan
Makabuluhan
Makatuwiran
Mababaw
Ang Bapor Tabo ay sumisimbolo sa uri ng lipunang _________.
marangal at maunlad
may pagbabalatkayong pag-unlad
moderno at makabago
makasarili at may pag-unlad
Alin sa mga sumusunod ang problemang pampulitika na namamayani noon at sa kasalukuyan ang masasalamin sa mabagal na usad ng bapor tabo?
Mabagal na paglalakbay ng barko.
Suliranin sa paglalakbay o transportasyon.
Di-pagkakapantay-pantay ng mahirap at mayaman.
Pagpatatalo ng mga makapangyarihang tao sa lipunan.
Ito ang katotohanang masasalamin sa binasang kabanata “Sa Ilalim ng kubyerta”.
Ang mga tao noon ay may kakayahang bumili ng magagarang damit at alahas
Maginhawa ang buhay ng mga makapangyarihan samantalang ang mahihirap ay lalong naghihirap.
Mahirap man o mayaman mahilig sa serbesa ang mga tao
Karamihan sa mga tao sa salapi ay silaw.
Alin sa mga sumusunod na pangyayari masasalamin ang pahayag na:
“Ang mga tao sa una, Basilio kapag nagmungkahi ka ng isang bagay iisipin agad ay balakid sa halip na kabutihan. Ibig nilang makuha ang lahat na parang bola ng bilyar makinis at mabilog.”
Upang mapabilis ang gawain, nagmungkahi ang pinuno ng inyong pangkat na hatiin ang mga gawain sa bawat miyembo. Lahat naman ay agad na sumang-ayon sa kanya.
Pinag-usapan sa barangay ang plano sa paggawa ng break water sa gilid ng ilog bilang proteksyon ng mga mamamayan sa posibleng storm-surge. Marami sa mga nakatira sa pampang hindi sumang-ayon dito dahil sa mga abalang magagawa ng nasabing proyekto.
Binigyan ng guro ang mga mag-aaral ng kalayaan sa paggawa ng kanilang proyekto siguraduhin lamang na magagawa ito ng maayos at matatapos ito sa itinakdang oras.
Dahil sa takot iminungkahi ng kanyang ama na huwag nang ipaglaban ang kanilang lupa at magbigay na lamang ng malaking halaga para sa buwis nito. Agad naman siyang tumalima dito kahit na alam niyang maaari silang mabaon sa utang ng dahil sa pagtaas ng buwis sa lupa.
“Napakaringal ng libing ni Kapitan Tiyago. Bago magsimula ang misa para sa namatay ay maririnig ang agunyas sa simbahan.” Mula sa pangungusap mahihinuha ang kahulugan ng agunyas. Kilalanin ang pangungusap na may wastong gamit ng salitang agunyas
Nakahahalina ang tunog ng agunyas sa kasal ng alkalde.
Tuwing ikatlo ng hapon maririnig ang malamyos na tunog ng agunyas sa simbahan.
Maririnig mo ang agunyas bago magsimula ang misa.
Nakapangingilabot ang tunog ng agunyas para sa misa ng patay.
“Kung saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan!” Tukuyin ang nais ipahiwatig ng pahayag.
Marangal ang taong lumalaban para sa karapatan.
Ang panganib ay magdudulot ng karangalan.
Ang karangalan ay makukuha sa mapanganib na paraan.
Ang mga matatapang lamang ang magkakamit ng karangalan.
“Pinadadalhan tayo ng diyos ng gayong parusa dahil tayo ay makasalanan o may kamag-anak na makasalanan na dapat sanay tinuruan natin ng kabanalan ngunit hindi natin ginawa. Akalain niyong isang dalaga na maaari ng mag-asawa ay hindi pa marunong magdasal!” sabi ni Hermana Penchang. Ayon sa binasa, ito ang dahilan ng pagdurusa ng tao.
Ang mga masamang pangyayari sa buhay ay dulot ng pagkakasala ng iba.
Ang mga pagdurusa ay dulot ng sariling kamangmangan.
Ang pagdurusa ay dulot ng pagtalikod sa kabanalan at pananampalataya.
Ang pagiging makasalanan ng ka-aanak ang nagdudulot ng pagdurusa ng tao.
“Diyos lamang ang may karapatang gumiba sapagkat siya lamang ang maaaring lumikha” Ipinahihiwatig ng pahayag na__________.
Ang diyos ang nagbibigay ng pagkakataon sa tao na pangalagaan ang kanyang mga nilikha.
Napakabuti ng panginoon, binigyan niya ang tao ng kalayaan gawin ang maibigan sa kanyang nilikha.
Ang diyos ang lumikha dahil dito walang karapatan ang taong sirain ang ginawa ng panginoon
Ang kanyang paglikha ay nagpapatunay na ang kanyang kapangyarihan ay walang kapantay.
Ito ang nais ipinahiwatig ni Simoun kay Basilio ng sabihin niya ang katagang “Ang mga amang duwag ay magsusupling lamang mga anak na alipin”?
Ang mga duwag ay kaylan man hindi makakalaya.
Kailangan turuan na lumaban ang mga duwag upang sila ay hindi alipinin.
Ang duwag ay patuloy na aalipinin sampu ng kanyang ka-anak.
Hindi maaaring magkaanak ng matapang ang isang duwag.
Explore all questions with a free account