No student devices needed. Know more
15 questions
Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon sa ating bansa, maraming mga lupang sakahan ang ginagawa nang subdibisyon. Paano ito nakakaapekto sa sektor ng agrikultura?
Lumiliit ang lupang pansakahan
Nakakaranas ng pabago-bagong klima ang bansang Pilipinas
Nagkukulang ang mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
Binabago ng mga kagamitang teknikal ang lupang sakahan ng bansa.
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag: “Malaking bahagi ng sektor ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura sapagkat…
Sa agrikultura umaasa ng mga lakas paggawa ang industriya
Nagmumula sa agrikultura ang hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon
Nagsisilbing batayan ng antas ng ekonomya ang dami ng kita sa sektor ng agrikultura
Nahihikayat ng sector ng agrikultura na magtayo ng mga industriya sa mga lupang sakahan
Ano ang malaking bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa pagpoproseso ng isang produkto sa pamilihan?
Paglikha ng mga hilaw na materyales
Pagtatapos ng mga bagong produkto
Pagbabago ng sekondaryang produkto
Pagpoproseso ng mga likas yaman
Batay sa datos ng Kabuuang Trabaho sa bansa, ang Sektor ng Kabuuang Lakas- Paggawa sa taong 2000-2010, ay nasa mahigit labindalawang libong manggagawa ang kabilang sa agrikultura at nasa mahigit limang libo naman ang nasa larangan ng industriya. Ano ang nais ipahiwatig nito?
Higit na malaking bahagi ng hanapbuhay ay nagmumula sa sektor ng agrikultura.
Umaasa ang ating ekonomiya sa produksyon ng sektor ng industriya upang kumita.
Magkapareho lang ang bahagdan ng manggagawa sa dalawang sector ng ekonomiya
Walang ugnayan ang agrikulta at industriya sa isat isa
Dahil isyu sa African Swine Fever, nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng karneng baboy sa pamilihan. Paano ito binibigyang pansin ng pamahalaan?
Paghahanap ng kapalit na karne na maisusuplay sa pamilihan
Paglilipat ng mga hog raiser sa gawaing pang industriya
Pagpapatigil sa produksyon ng baboy sa buong bansa
Pagpapataas ng suplay ng isda sa pamilihan
Maraming magsasaka ang napipilitang magbenta ng lupain at humanap ng ibang mapagkakakitaan dahil sa mababang kita sa produktong agrikultural. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan nito?
Mababang halaga ng mga imported na produktong agrikultural na kanilang kakompetisyon
Pagkahilig na mga Piilpino sa mga produktong imported
Madalas na paglaganap ng peste sa mga pananim
Kapag maliit ang kapital, maliit din ang kita
Paano mo maiuugnay ang pagbabago ng bilang ng endangered species na mga hayop sa suliranin sa laganap na land conversion?
Sa pagdami ng mga gusali, higit na dumadami ang endangered species dahil nabibigyan sila ng seguridad sa mga dumarating na kalamidad.
Sa pagbabago ng katangian ng lupain, nawawalan ng natural na tahanan ang mga hayop.
Tumataas ang bilang nga hayop dahil sa mga breeding stations na naitatayo sa mga pinatag na bundok.
Umiikli ang buhay ng mga hayop dahil sa pagbabago sa pagkain.
Isa sa mga mahahalagang batas ng pamahalaan hinggil sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura ang CARP. Paano ito nakatutulong sa mga magsasaka?
Pagkakaloob ng titulo sa mga may ari na walang kakayahan upang magbayad ng halaga para sa proseso
Pagkakaloob ng lupang agrikultural sa mga magsasakang walang lupain
Pagtatayo ng mga gulayan sa mga pamayanan
Pagbibigay ng proteksyon sa mga may- ari ng lupa
Mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng balanseng ecosystem ang pagprotekta sa mga kagubatan ng bansa. Alin sa mga sumusunod na batas ang naglalayon na maingatan at protektahan ang kagubatan, pati na ang mga hayop na nakatira dito?
Philippine Fisheries Code of 1998
Community Livelihood Assistance Program
National Integrated Protected Areas System
Sustainable Forest Management Strategy
Kung sa agrikultura nagmumula ang mga hilaw na sangkap, anong mahalagang tungkulin ang ginagampanan ng sektor ng industriya upang magkaroon ng masiglang ekonomiya?
Pagpaparami ng mga aning agrikultural
Pagtatakada ng panahon para sa bilihan ng mga produkto
Pagpuproseso ng mga hilaw na sangkap upang maging ganap na tapos na produkto
Pagsasagawa ng proseso ng preserbasyon upang matagal na mapakinabangan ang mga hilaw na produkto
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong interaksyon ng sektor ng agrikultura at industriya?
Bahay- kalakal ang pokus ng industriya samantalang sa lupa ang sentro ng agrikultura
Pagsasaka ang tawag sa gawaing agrikultural samantalang entreprenyurship ang sa gawaing industriyal
Tradisyunal na pamamaraan ng estratehiya ng agrikultura samantalang teknolohiya ang mahalagang gamit sa industriya.
Ang sektor ng industriya ang nagpuproseso ng mga hilaw na produkto na nagmula sa sektor ng agrikultura.
Kung ang larangan ng agrikultura ay binubuo ng paghahalaman, paghahayupan, pangingisda at paggugubat, alin naman ang tamang komposisyon ng larangan ng industriya?
Pagmimina, pagmamanupaktura, konstruksiyon at utilities
Pagsasaka, pagpuproseso ng mga produkto at pagbebenta sa pamilihan
Pagmamanupaktura, pagbebenta, paglilingkod
Pagmimina, elektrisidad, at utilities
Isang pagsubok na kinakaharap ng pamahalaan sa kasalukuyan ang pag-alis ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Tinatayang ito ay dulot ng mahinang batas ukol sa pagpapalakas ng industriya. Alin ang nakasasakop sa nasabing kahinaaan ng sektor ng industriya?
Political Instability
Policy Inconsistency
Inadequate Investment
Macroeconomic Volatility
Malaking bahagi ng naging pag- unlad ng ekonomiya ang business process outsourcing sa sektor ng pagllingkod. Saang uri ng sektor ito nabibilang?
Kalakalan
Paglilingkod na Pampubliko
Paupahang Bahay at Real Estate
Transportasyon, Komunikasyon at Imbakan
Nais ni Albert na higit pang mapaunlad ang kanyang kasanayan sa auto mechanics upang matiyak na kwalipikado siya sa kompanyang kanyang pag- aaplayan. Saang ahensiyang tumutulong sa sektor ng paglilingkod siya maaring lumapit?
Commission on Higher Education (CHED)
Professional Regulation Commission (PRC)
Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Explore all questions with a free account