No student devices needed. Know more
15 questions
1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP.
Kapag pinag-uusapan ang kaunlaran, kaakibat nito ang pagnanais ng pamahalaan na matamo ang pambansang kaunlaran. Ano ang ibig sabihin ng pambansang kaunlaran?
Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at ibang serbisyong panlipunan.
Ito ay tumutukoy sa sektor ng bansa.
Ito ay tumutukoy lang sa edukasyon at imprastruktura.
Ito ay tumutukoy sa pambansang kita lang.
Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa ibaba nito.
Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya ang Pilipinas. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa.
Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, anong kaisipan ang malinaw na inilalahad sa balita?
Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP.
Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat.
Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang Gross National Product at Gross Domestic Product ay ilan sa mga batayan upang masukat ang pambansang kaunlaran. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa batayan ng pambansang kaunlaran?
Kakayahan ng manggagawa
Kalinisang pang-bayan
Uri ng pamahalaan
Kawalan ng trabaho
Maraming paraan upang maipakita ang gampanin ng mga Pilipino tungo sa pambansang kaunlaran. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng pagiging mapanagutang mamamayan?
Sa pamamagitan ng tamang pagbabayad ng buwis
Sa pamamagitan ng pakikilahok sa pamamahala ng bansa
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong banyaga
Sa pamamagitan ng di pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad
Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa ating bansa?
Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Wala sa nabanggit
Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na suliraning ito?
Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng bawat isa. Maaaring gawin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa upang makatulong sa pag-unlad ng bansa?
Sa pamamagitan ng pagiging mapanagutan
Sa pamamagitan ng hindi pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Sa pamamagitan ng pagiging makabansa
Sa pamamagitan ng pagiging maalam
Alin sa mga sumusunod na konsepto ang HINDI nagpapakita ng pag-unlad?
Pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
Isang progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao.
Kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
Mga nakikita at nasusukat na pagbabago sa pamumuhay ng isang bansa.
Alin sa mga sumusunod na estratehiya ang tumutukoy sa kakayahan ng mga Pilipino na pumasok sa pagnenegosyo?
Maalam
Maabilidad
Makabansa
Mapanagutan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging mapanagutang mamamayan?
Pagbabayad ng tamang buwis
Pagpili ng tamang kandidato
Pagbili ng lokal na produkto
Paglahok sa mga gawaing panlipunan
Bilang isang mag-aaral, anong paraan ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa?
Tangkilikin ang mga produktong murang ipagbenta ng ibang bansa.
Ugaliing manuod ng mga balita tungkol sa pag – unlad ng ibang bansa.
Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Wastong pagbabayad ng buwis
Alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong upang maiwasan ang mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ang yamang gubat?
Pagguho ng lupa dahil sa kawalan ng mga puno.
Pagkakaroon ng pagbaha na sumisira sa malawak taniman.
Pagtatanim at pagbabawal sa pagkakaingin sa kagubatan.
Pagkawala ng mga tirahan ng mga hayop kaya hindi makapagparami.
Nahaharap sa kasalukuyan ang Pilipinas sa suliranin ng pagkaubos ng mga yamang likas nito. Anong sektor ng pamahalaan ang dapat mangasiwa sa suliraning ito?
DTI
DOST
DA
DOH
Napilitang ibenta ni Mang Jose ang lupang kanyang sinasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng mga pananim, pestisidyo, bayad sa patubig at mga kagamitan sa pagsasaka. Anong suliranin sa sektor ng agrikultura ang tinutukoy dito?
Masamang Panahon
Mataas na gastusin sa pagsasaka
Problema sa Imprastraktura
Problema sa kapital
Explore all questions with a free account