No student devices needed. Know more
40 questions
Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito” na ang ibig sabihin ay ;
Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa
Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat
Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran . Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang
makatulong sa pag-abot sa kaunlaran.
Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
Wala sa nabanggit
Noong taong 2014 pumangalawa ang ekonomiya ng Pilipinas sa China dahil sa pag-angat ng ekonomiya nito ng 7.2%. Pero lumabas sa balita ng SWS na 12.1 milyon na mga Pilipino ang walang trabaho.
Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na inilalahad sa balita na:
Ang pag-angat ng ekonomiya ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay.
Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa.
Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang nakabase sa ibayong-dagat.
Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP.
Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
Hinahayaan na lamang ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Idinadaan na lamang nila sa protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan.
Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
Ipinagsawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang _____________ bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
Human Development
Human Development Program
Human Development Index
Human Development Report
Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa MALIBAN sa isa.
Tamang pagbayad ng buwis
Pagtangkilik sa mga dayuhang produkto
Pagnenegosyo
Tamang pagboto
Alin sa sumusunod ang HINDI nabibilang sa sektor ng agrikultura?
pagmimina
pangingisda
paggugubat
paghahayupan
Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?
agrikultura
industriya
paglilingkod
impormal na sektor
Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas ang sektor ng agrikultura. Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang implementasyon nito upang masiguro ang kaayusan sa sektor ng agrikultura. Ang mga sumusunod ay mga batas tungkol sa agrikultura MALIBAN sa isa.
Batas Republika 1160
Atas ng Pangulo Blg. 27
Batas Republika Blg. 6657
Batas Republika Blg. 1081
Isa sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Ano ang dahilan nito?
Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka
Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad
Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan
Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market roads)
Ayon sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ipinamamahagi ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anoman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka. Ang mga lupain ay sakop ng mga lupang ipinamahagi ng CARP MALIBAN sa mga lupang ginagamit bilang.
Tanggulang pambansa
Lupang tinatamnan ng palay
Lupang Residential
Lupang malapit sa kalsada
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan mga magsasaka.
Ang mga nabanggit sa ibaba ay ilan sa programa nito MALIBAN sa
Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang mayroon suporta sa kanila
Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
NARRA o National Resettlement and Rehabilitation Administration
KALAHI agrarian reform zones
Ang agrikultura ay ang primaryang sektor ng ekonomiya, samantalang ang industriya ang siya namang sekondaryang sektor. Ang dalawang ito ay lubhang mahalaga sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mabisang nagpapakita ng ugnayan o interaksyon ng dalawang nasabing sektor?
Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entrepreneur naman ang kapitan ng industriya
Sa mga malalawak na lupain nagaganap ang mga produksyon ng agrikultura samantalang ang sa industriya ay sa mga bahay-kalakal
Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor ng industriya upang gawing panibagong uri ng produkto
Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyunal na pamamaraan ng pagsasaka
Sa kasalukuyan ang malaking labor force ng Pilipinas ay may mataas na antas ng kawalang trabaho (unemployment) at hindi sapat na trabaho (underemployment). Kung gagawing capital intensive ang mga industriya, ano ang magiging epekto nito sa labor market?
Lalong bababa ang ang pangangailangan sa mga manggagawang manwal (manual laborers)
Magbabalikan sa bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang dito magtrabaho
Magkakaroon ng kaalaman ang mga manggagawa sa makabagong teknolohiya sa produksyon
Tataas ang demand sa mga makabagong makinarya at kagamitan ng bansa
Sa isang bansa na salat sa lupaing agrikultural at higit na nangangailangan ng mga hilaw na sangkap, ano ang maaaring maging pangunahing epekto nito sa dalawang sektor ng ekonomiya (agrikultura at industriya) kung ang bahagi ng lupaing ito ay gagamitin bilang residential area?
Maiiwasan ang paglaki ng mga informal settlers
Mangngibang bayan ang mga Pilipino sa paghahanap ng trabaho
Magkakaroon ng kakulangan sa suplay ng mga hilaw na materyales at sa paglikha ng mga kalakal
Mangangailangan ng malaking subsidy o tulong mula sa pamahalaan ang dalawang sektor
Ang industriyalisasyon, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito?
Ang teknolohiya ay nakagawa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan ng mga tao.
Ang paggamit ng makinarya ay nakaaapekto sa hanapbuhay ng mga manggagawa.
Unti-unting nasisira ang kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon.
Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas bunga na ng mataas na pambansang kita.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa sektor ng industriya.
Pagmimina
Pagmamanupaktura
Konstruksyon
Pagtotroso
Sa usapin ng mga manggagawa, sinasalo ng sektor ng industriya ang mga mamamayang iniwan ang gawaing pang-agrikultura dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Ang mga sumusunod ay naging dahilan MALIBAN sa
Malawakang pagpalit-gamit ng lupa
Usaping pangkapayapaan
Laganap na pangangakam ng lupa
Mababang gastusin sa agrikultura
Ang pag-unlad ng industriya ay hinahangad ng maraming bansa sa daigdig, kung kaya ang pagtatayo ng mga negosyo ng iba’t-ibang bansa ay ginagawa ng malalaking kompanya tulad ng McDonald’s, Jollibee, KFC, at iba pa.
Sa ganitong kalagayan, paano ito nakatutulong sa pagsulong ng industriya at pag-unlad ng bansa ang mga nabanggit na kompanya?
Itinataas nito ang antas ng pamumuhay ng tao
Nililinang nito ang kaisipang kolonyal
Nagkakaloob ito ng trabaho at nakatutulong sa pagtaas ng lakas-paggawa
Binabago nito ang badyet na may kinalaman sa pagkonsumo ng mga Pilipino
Karaniwang iniuugnay ang industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ayon kina Balitao et al. (2012), ano kaukulang kahulugan ng konsepto ng industriyalisasyon?
Paggamit ng mga makinarya at pag-unlad ng mga industriya
Pag-ikot ng industriyal na pagawaan.
May mababang bahagdan ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa.
pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya.
Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Sa pangkalahatan, ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa Alin sa mga sumusunod ang HINDI kahinaan ng sektor ng Industriya.
Policy Inconsistency
Inadequate investment
Macroeconomic volatility
Political Stability
Ang ating pamahalaan ay bumuo ng Philippine Development Plan 2011-2016 bilang pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Sa nasabing plano, alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama dito?
Maayos at akmang kondisyon sa pagnenegosyo
Mataas na produktibidad at maayos na paggawa
Mas mabuting kalagayan sa mga mamimili
Magandang kalakalang panlabas
Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sumusunod MALIBAN sa
kalakalang pakyawan at pagtitingi
serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal
sektor sa pananalapi
pagmimina
Ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng kakayahan ng mga tao bilang mahalagang bahagi ng lipunan na lumikha ng mga produkto at serbisyo. Sa ganitong aspeto, ano ang mahalagang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
Sila ang namumuhunan sa bahay-kalakal
Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa ibang bansa
Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa
Sila ang nagkakaroon ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan
Ang mga sumusunod ay mga ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa MALIBAN sa
OWWA
DepEd
DFA
POEA
Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ito sa kabila ng protesta ng mga manggagawa?
Mas makatitipid ang mga kompanya dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
Dahil mababa lamang ang pasahod sa mga kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho.
Lahat ng nabanggit
Noong taong 2014 ay naglabas ang Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and Employment ng handbook ukol sa mga benepisyo ng mga manggagawa ayon sa batas. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga ito MALIBAN sa isa
Holiday Pay
Overtime Pay
Vacation Pay
13th Month Pay
Alin sa mga sumusunod na benepisyo ang HINDI maaring tanggapin ng mga manggagawang kalalakihan ayon sa ang Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and Employment handbook?
Service Incentive Leave
Maternity Leave
Paternity Leave
Parental Leave
Alin sa sumusunod na sektor ang HINDI nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
agrikultura
industriya
paglilingkod
impormal na sektor
Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012) nina Balitao et al., ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga mamamayaan sa impormal na sektor MALIBAN sa
Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
Mapangibabawan ang matinding kahirapan
Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital
Makapagbigay ng pondo sa pamahalaan
Impormal na sektor ang tawag sa uri ng pagnenegosyo na hindi nakarehistro at hindi nagbabayad ng buwis. Bagama’t ayon sa IBON Foundation ito ay ang sektor ng mga mamamayan na kabilang sa “isang kahig, isang tuka”, ano naman ang positibong mensaheng nais ihatid sa paglaganap ng impormal na sektor?
Maraming mga mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan
Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa
Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries
pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay
Ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng sumusunod na epekto sa ekonomiya:MALIBAN sa isa
Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis
Banta sa kapakanan ng mga mamimili
Paglaganap ng mga illegal na gawain
Pagiging matatag sa presyo ng bilihin
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor:
DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
PANTAWID PAMILYA PILIPINO PROGRAM (4Ps)
SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata ng musika, mga palabas sa sine at telebisyon, at computer software. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod MALIBAN sa isa.
kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito
kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata
kakulangan ng mapapasukang trabaho
pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa illegal na pamamaraan
Isa sa itinuturong dahilan kung bakit dumarami ang mga Pilipinong nasasadlak sa impormal na sektor ay dahil sa masalimuot at matagal na transaksiyon sa pamahalaan na tinatawag na ______________.
Black Market
Monotone Black Tape
Bureaucratic Red Ribbon
Bureaucratic Red Tape
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?
ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan
ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
ang pagbabago sa kabuuhang pamumuhay ng mamamayan
Ang konsepto ng comparative advantage ay nagpapaliwanag na makikinabang ang mga bansa sa isa’t-isa sa papaanong paraan?
Kasunduang multilateral
Espesyalisasyon at kalakalan
Sabwatan at Kartel
Trade Embargo at Quota
Alin sa mga sumusunod ang magaganap bunga ng pagtaas ng domestic income?
Tataas ang import at bababa ang export ng domestic economy.
Bababa ang import at tataas ang export ng foreign economy
Magkakaroon ng net export improvement and domestic economy dahil tataas ang foreign demand sa produktong lokal
Tataas ang domestic demand sa produktong banyaga kaya magkakaroon ng trade balance deterioration and domestic economy
Paano naaapektuhan ng pagbabago sa interest rate ang trade balance? Sa pagtaas ng domestic interest rate,
magkakaroon ng exchange rate depreciation. Magiging mahal ang domestic goods kaya bababa ang net export.
magkakaroon ng exchange rate appreciation. Magiging mahal ang domestic goods kaya bababa ang net export.
magkakaroon ng exchange rate appreciation. Magiging mahal ang domestic goods kaya tataas ang export.
magkakaroon ng exchange rate depreciation. Magiging mura ang domestic goods kaya bababa ang net export.
Ito ay samahang pandaigdigan na pumalit sa dating General Agreement on Tariffs and Trade na namamahala sa pandaigdigang patakaran ng kalakalan o global trading sytem sa pamamagitan ng mga member states.
United Nations (UN)
Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC)
World Trade Organization (WTO)
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)
Explore all questions with a free account