42 questions
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Kita at gastusin ng pamahalaan
Transaksiyon ng mga institusyong pampinansyal
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Ito ay perang bahagi ng kita na ibinabayad sa pamahalaan upang panggastos ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Buwis
Kapital
Kita
Sahod
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-kalakal.
Ang pagsusuri ng buong ekonomiya na may kinalaman sa pag-uugnayan ng sambahayan, kompanya, pamahalaan at panlabas na sektor ay tinatalakay sa .
Economimetrics
Macroeconomics
Microeconomics
Normative economics
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay tinaguriang “Bangko ng mga Bangko”. Ano ang pinakamahalagang tungkulin nito?
Kinokontrol ang money supply
Nag-iisyu ng currency
Nagpapautang sa mga bangko
Tagamasid ng mga bangko
Sa paikot na daloy ng produkto at serbisyo ay inilalarawan ang mga gawain ng bawat sektor. Ang pamahalaan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo at tumatanggap ng buwis sa __________.
Sambahayan at kompanya
Pamilihan ng salik ng produksiyon at yaring produkto
Dayuhang sektor at imbestor
Sambahayan at pamilihan ng salapi
Ang mga mangagawa, negosyo at kompanya ay nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Bakit kailangang bayaran ng tama ang pamahalaan?
Hindi magkaroon ng kaso
Maituloy ang mga proyektong pambayan
May impok ang pamahalaan
Tumaas ang koleksyon ng pamahalaan
Ito ay kabuuang halaga sa merkado ng lahat ng lehitimong produkto at serbisyong ginawa ng bawat mamamayan sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon.
Gawa Dito sa Pinas
GDP
Gross National Product
Pambansang kita
Ito ay ang tunay na kabuuang kalkulasyon ng kita at produksiyon ng lahat ng sektor ng ekonomiya sa loob ng isang taon batay sa lakas at kapasidad ng bawat sektor.
Actual GNP
Nominal GNP
Potential GNP
Real GNP
Alin sa mga sumusunod ang hindiginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Industrial Origin / Value Added Approach
Income Approach
Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa?
Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahikayat sa pamumuhunan
Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo
Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers
Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa
Si Mr. Chen, isang Chinese National ay nagtatrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinama ang kaniyang kinikita?
Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamamayan siya nito
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang kaniyang kita
Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kita
Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kaniyang kita
Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
Oo, dahil repleksiyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income.
Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National Income.
Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income nito.
Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income.
Bakit mahalagang masukat ang economicperformance ng bansa?
Dahi magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal
Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto sa eleksiyon
Pinagsasama ang lahat ng pinagkagastusan ng lahat ng sektor ng ekonomiya at produksiyon ng kalakal at serbisyo sa buong taon.
Economic Freedom Approach
Factor Income Approach
Final expenditure Approach
Value Added Approach
Ayon sa pamahalaan ay tumataas ang ating GNI. Bakit maraming mamamayan ang hindi naniniwala sa nasabing ulat?
Hindi kapani-paniwala ang ulat
Marami pa rin ang naghihikaos
Tumataas ang presyo ng bilihin
Umaangkat pa rin ang bansa
Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang interpretasyon sa graph?
Mas malaki ang Gross Domestic Product ng bansa kumpara sa Gross National Income nito.
Mas malaki ang Gross National Income kumpara sa Gross Domestic Product sa parehong taon.
Mas malaki ang Gross National Income noong taong 2012 kumpara sa taong 2013.
Mas malaki ang remittances mula sa mga OFW noong taong 2012 kumpara sa taong 2013.
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ba ay isang sakripisyog pinansiyal?
Hindi, dahil ang pag-iimpok at pamumuhunan ay pansamantala lamang.
Hindi, dahil ang totoong sakripisyo ay ang pagkakaroon ng utang at wala man lang naimpok.
Oo, dahil hindi nabibili ang mga luho
Oo, dahil nagtitipid para makapag-impok
Nanalo ang iyong kaibigan ng isang milyon mula sa talent show na sinalihan nito. Humihingi siya ng payokung paano niya mapalago ang pera, ano ang iyong maimumungkahi?
Ideposito ang pera sa isang saving account
Ilagay ang pera sa kaban at itago ito sa isang ligtas na lugar
Magtayo ng sari-sari store
Mamuhunan sa stock market, mutual funds at life insurance
Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
Ang dinepositong Php 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na daloy?
Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang maragdagan ang paggastos ng tao.
Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong capital sa negosyo.
Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko.
Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
Mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap.
Mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa.
Mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php 100.00 na ipinambili niya ng isang kilong karne ng manok sa kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong manok?
Php 95.00
Php 100.00
Php 105.00
Php 110.00
Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
Deplasyon
Depresyon
Implasyon
Resesyon
Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php 25,000.00 at ang kanya naman kabuuang gastusin ay Php 21,000.00, magkano ang maaari nyang ilaan para sa pag-iimpok?
Php 1,000.00
Php 2,000.00
Php 3,000.00
Php 4,000.00
Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon
Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta
Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin?
Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo.
Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo.
Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki.
Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki.
Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph?
Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili.
Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.
Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo.
Tukuyin ang #1 na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Pamahalaan
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihan ng salik ng produksiyon
Pamilihang monopolistiko
Sa papaanong paraan naaapektuhan ng implasyon ang mga prodyuser?
Kapag tumaas ang supply ng salapi at tumaas din ang kita at demand kaysa produksiyon.
Pagtaas ng demand at pagbaba ng kita ng mgamamamayan.
Pagbaba ng gastossaproduksiyon, tataasnaman ang presyo ng nilikhangmgakalakal at produkto.
Pagmaraming mga dayuhan ang nagtatayo ng mga negosyo dito sa ating bansa.
Ang cost-push inflation ay isang uri ng implasyon. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapaliwanag ukol dito.
Ito ay nangyayari kapag bumaba ang pinagsama-samang supply ng mga produkto dahil sa pagtaas ng gastusin sa produksiyon.
Ito ay nangyayari kapag maraming supply na pera sa sirkulasyon at ang lahat ay nahihikayat na bumili na ng higit sa kanilang pangangailangan ngunit hindi matugunan ng pagtaas ng supply.
Ito ay nangyayari kapag ang isang bansa ay import-dependent at export-oriented.
Ito ay nangyayari kapag ang mga manggagawa ay humingi ng dagdad nasahod
Alin sa sumusunod ang positibong epekto ng implasyon?
Nababawasan ang kakayahan ng mga mamimiling bumili ng mga produkto at serbisyo.
Ang mga prodyuser ay nahihikayat na magprodyus ng mas marami dahil lalaki ang kanilang kita.
Ang mga nanghihiram ay kikita ng mas malaki kaysa sa kanilang inutangan
Ang mga nag-iimpok ay nagkakaroon ng mas mataas na interes sa kanilang pera.
Tukuyin ang #2 na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Pamahalaan
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
Pamilihan ng salik ng produksiyon
Pamilihang monopolistiko
Ano ang katarungan?
Paggalang sa sarili, batas at kapwa
Pagsunod sa utos ng Diyos
Pagtrato ng masama sa kaaway
Paiingay sa klase
Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
Mamamayan, pamahalaan at pulis
Mga barangay tanod
Mga dayuhan
Mga nagbebenta ng droga
Ang katarungang panlipunan ay:
Ideyal lamang at hindi mangyayari talaga.
Iniaayon sa habilin ng nakakatanda.
Pinatutupad ng pamahalaan.
Ukol sa parehong komunidad at sarili.
Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
“Kunin mo lamang ang kailangan mo.”
“Mata sa mata, ngipin sa ngipin.”
“Tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong.”
"Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala.”
Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na ido-donate sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kompanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
Gumawa ng produktong kikita ang tao
Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.
Kasipagan
Katatagan
Pagsisikap
Pagpupunyagi
Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
Pag-iimpok
Pagtitipid
Pagtulong
Pagkakawanggawa