No student devices needed. Know more
30 questions
Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang
direksyon na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Migrasyon
Globalisasyon
Kontraktuwalisasyon
Outsourcing
Ang mga sumusunod ay implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporation sa isang bansa. Alin ang HINDI kabilang?
Pagkakaroon ng kompetisyon
Pagdami ng mga produkto at serbisyo
Maraming namumuhunang lokal ang nalulugi
Pagtangkilik sa mga lokal na produkto
Itinuturing ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdigan na nagpapabilis ng kalakalang panlabas.
Globalisasyon
Migrasyon
Ekonomiya
Paggawa
Upang higit na maunawaan ang globalisasyon bilang isang kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?
Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo
Ang globalisasyon ay may anim na wave
Ang globalisasyon ay taal nakaugat
Perennial institution ang globalisasyon
Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Alin ang HINDI kabilang sa mga penomenong ito?
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
Pag-unlad ng mga bansang Asyano
Ang mga sumusunod ay katangian ng mga pinaniniwalaang “panahon” ng globalisasyon MALIBAN sa
Pananakop ng mga bansang Asyano
Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya
Pagkakahati ng daigdig sa dalawang pwersang ideolohikal
Paglaganap ng Islam at Kristiyanismo
Ang pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad ay tinatawag na
Outsourcing
Offshoring
Nearshoring
Onshoring
Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
Sapagkat tuwiran nitong binago, binago, at hinahamon ang mga perennial institusyon na matagal nang naitatag
Sapagkat patuloy ang malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
Sapagkat tuwiran itong manipestasyon ng iba’t ibang hamong pang-ekonomiya
Sapagkat may malaking epekto ito sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan
Upang mapanatili ang maayos na kompetisyon sa pagitan ng mga dayuhan at lokal na mamumuhunan ipinatupad ng pamahalaan ang “Guarded Globalization”. Alin sa mga sumusunod ang layunin nito?
Pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho
Mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto
Pangalagaan ang karapatan ng mga namumuhunan
Bigyan proteksiyon ang mga namumuhunan
Ang Fair Trade ay tumutukoy sa
Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas
Pagbibigay sudsidiya sa namumuhunang lokal
Pangangalaga sa kalagayan ng maliliit na namumuhunan
Ang mga sumusunod ay epekto ng globalisasyon sa sektor ng paggawa MALIBAN sa
Paglaganap ng mga suliranin at hamon sa paggawa
Binago ng globalisasyon ang work place at mga salik ng produksiyon
Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan
Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard
Alin sa mga sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.
Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).
Ito ay ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
Flow
Stock Figures
Immigrant
Tourist
Ang mga sumusunod ay uri ng migration MALIBAN sa
Labor Migration
Refugee Migration
Permanent Migration
Tourist Migration
Mayroong iba’t ibang uri ng migrante, isa na rito ang tinatawag na temporary migrants. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng temporary migrants?
Mga foreign students
Mga hindi dokumentadong manggagawa
Mga taong nagpalit ng citizenship
Mga taong nagpakasal sa banyaga
Ano ang migrasyon?
Tumutukoy sa sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?
Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa
Humigpit ang pagproseso sa pagpapasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers
Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pangonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.
Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang pamilihan kaya’t kinakailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa.
Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga mangagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng malaiking pasahod at paglilimita sa panahon ng pagggawa.
Ito ay ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa.
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa.
Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
Pag-eempleyo sa isang mangagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon
Pagkuha ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
Pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
Ito ay tumutukoy kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
Iskemang Subcontracting
Labor-only contracting
Job contracting
Mura at flexible labor
Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?
Maipantay ang sahod ng manggagawang Pilipino sa ibang bansa
Makabuo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino
Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang bansa
Pagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga Pilipino
Mahalaga na maproteksiyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di- makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
Pagsasabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
Pagboycott sa mga poduktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito
Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA)
Bago ipinatupad sa bansa ang K to 12 Curriculum, maraming Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ang hindi nakakakuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos, kaya naman second-class professionals ang tingin sa maraming mga Pilipino. Ano ang maaaring dahilan nito?
Mababa ang antas ng edukasyon sa bansa
Kakulangan bilang ng taon sa basic education
Kakulangan ng training ng mga manggagawa
Mababa ang tingin sa mga Pilipino workers
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?
Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya
Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.
Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya
Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay mapapasukan na angkop sa kanilang natapos
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng implikasyon ng peminisasyon sa globalisasyon?
Kapag ang lalaki ang nangibang bansa, ang asawang babae ang mas higit na umaako sa lahat ng gawaing pantahanan
Kapag ang babae ang nangibang bansa, ang asawang lalaki ay kumukuha ng tagapag-alaga ng mga anak
Kapag ang lalaki ang nangibang bansa isinasama niya ang kanyang asawa at mga anak
Kapag ang babae ang nangibang bansa, ang asawang lalaki ay ipagkatiwala ang ibang pang-tahanang gawain sa kapatid na babae, sa magulang, o di kaya sa mga kamag-anak
Ayon sa tala ng International Labor Organization o ILO, malimit na mga migrant workers at indigenous people ang nagiging biktima ng forced labor. Ano ang maaaring dahilan nito?
Maraming bilang ng mga Pilipino ang nas marginal na sektor na lipunan
Kakulangan sa tamang edukasyon hinggil sa mga isyung may kinalaman sa migrasyon
Walang matibay na batas upang bigyang proteksyon ang mga migranteng manggagawa
Karamihan sa mga Pilipinong mangagawa ay kumakapit sa patalim upang maitaguyod ang pamilya
Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa
Makikita sa globalisasyon ang hiwa-hiwalay na mga bansa sa daigdig
Makikita ang mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ng mga bansa
Makikita ang mabilis na pagtugon ng mga bansa sa oras ng pinsala at kalamidad
Mayroong hindi magandang epekto ang kontraktuwalisasyon sa kalagayan ng mga mangagawang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa negatibong epekto ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa?
Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas
Naiiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad ng separation pay, SSS, PhilHealth at iba pa
Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining Agreement (CBA)
Maaari silang lumahok ang maging bahagi ng mga unyon
Batay sa International Labor organization o ILO, ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay. Ito ay nangangahulugan na
Patuloy ang peminisasyon ng globalisasyon
Makahanap ng mas matatag na hanapbuhay
Dala ng globalisasyong sosyo-kultural
Umusbong ang konsepto ng Househusband
Maraming naidudulot na epekto ang migrasyon. Isa na rito ang tinatawag na “multiculturalism”. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng konseptong ito?
Ito ay paniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsamasama nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa
Ang mga migrante ay maluwag na tinatanggap bilang bahagi ng kanilang pamayanan.
Hindi madaling nakakapasok ang ilang mga banyaga particular sa mga mayayamang bansa.
Konseptong nagsasaad na ang pagsasama-sama ng iba’t ibang kultura ay nagdudulot ng masamang epekto sa pamumuhay ng mga tao.
Explore all questions with a free account