No student devices needed. Know more
19 questions
Ito ang pinakamataas na anyong lupa.
bundok
kapatagan
burol
Ito ay ang hilera o pangkat ng mga bundok.
bulubundukin
lambak
burol
Ito ay mataas na anyong lupa na nagbubuga ng lava at abo kapag sumasabog.
bulkan
bundok
burol
Ito ay patag at malawak na lupain.
kapatagan
lambak
talampas
Ito ay patag na lupa sa pagitan ng dalawang bundok o higit pang mga bundok.
lambak
kapatagan
burol
Ito ay mataas na anyong lupa ngunit higit na mas mababa kaysa sa bundok.
burol
bulkan
talampas
Ito ay anyong lupa na mataas ngunit patag sa ibabaw.
talampas
burol
bundok
Ito ay bahagi ng katawan ng isang malaking pulo na nakausli palabas sa dagat o karagatan.
tangway
talampas
baybayin
Ito ay nakausling lupa palabas sa dagat ngunit maliit kaysa sa tangway.
tangos
pulo
baybayin
Ito ay anyong lupa sa tabi ng dagat, karaniwang mabuhangin ito.
baybayin
pulo
bukal
Ito ay anyong lupa na naliligiran ng katubigan.
pulo
bukal
sapa
Ito ay tubig na lumalabas paitaas mula sa ilalim ng lupa.
bukal
sapa
ilog
Ito ay maliit na anyong tubig na dumadaloy sa lupa. Karaniwang natutuyo ito tuwing tag-init.
sapa
bukal
ilog
Ito ay malapad at mahabang anyong tubig na dumadaloy sa lupa.
ilog
bukal
sapa
Ito ay anyong tubig na naliligiran ng lupa.
lawa
talon
golpo
Ito ay anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar at dumadaloy sa mga ilog o batis.
talon
lawa
ilog
Ito ay anyong tubig na halos naliligiran ng lupa na konektado sa dagat.
look
golpo
talon
Ito ay kawangis ng look ngunit higit na malaki sa look.
golpo
kipot
lawa
Ito ay isang anyong tubig na makitid. Pinagdurugtong nito ang dalawang malalaking anyong tubig.
kipot
golpo
look
Explore all questions with a free account