
Litong-lito si Ana sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
Nahirapan si Clarissa sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng Dinagsa Festival sa Cadiz.
Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ng pagluto nito.
Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng Makabagong Tula dahil sa mga matatalinhaga at masining na pagpapahayag.
Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating na bagyo sa ating bansa.
Nahumaling si Ding sa nakita niyang patalastas na may tagline na "Wala pa ring tatalo sa Alaska!" kaya bumili siya nito.