No student devices needed. Know more
20 questions
Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Isyu ng Buhay
Isyung Panlahat
Isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Isyu ng Buhay
Isyung Panlahat
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng isyung personal at isyung panlipunan?
Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan
Ang kawalang ng disiplina ng mga mamamayan ay isyung personal subalit kung ang isang kumunidad ay bulagsak sa paggasta ay maituturing na isyung panlipunan
Ang kahirapan dala ng bagyo ay matituturing na isyung personal subalit matutukoy na isyung panlipunan kung ito ay naghihirap ang buong kumunidad
Korapsyon ang nagiging isang isyu dahil sa pangangamkam ng mga opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan
Ito ay tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon.
Isyung Personal
Isyung Panlipunan
Isyu ng Buhay
Kontemporaryong isyu
Alin sa mga sumusunod na tema ng kontemporaryong isyu ang hindi kasali sa pangkat?
Lipunan
Politika
Kapaligiran
Sarili
Ang mga sumusunod na sitwasyon o pahayag naglalarawan sa kontemporaryong isyu, alin ang hindi?
Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
May malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mamamayan
Nagaganap sa kasalukuyang panahon o may matinding epekto o impluwensiya sa takbo ng kasalukuyang panahon
Layunin nitong busisiin ang mga pansariling kuro-kuro
Sa pangangalap ng impormasyon ay kailangan ng mga sanggunian upang maging mabisa sa pag-aaral ng mga isyu, alin sa mga sumusunod na sanggunian ang hindi kasali sa mga batayan ng datos?
Saksi
Dokumento
Telebisyon
Wala sa nabanggit
Isang uri ng sanggunian na may orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas sa mga ito.
Sekundaryang sanggunian
Primaryang sanggunian
Talambuhay
Sulat
Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan, anong uri ng sanggunian ito?
Sekundaryang sanggunian
Primaryang sanggunian
Talambuhay
Ulat ng saksi
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng sekundaryang pinagkunan, alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa pangkat?
Aklat
Biography
Articles
Lahat ng nabanggit
Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
Paniniwala
Pagpapahalaga
Norms
Simbolo
Ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong panlipunan?
Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan
Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
Isang organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
institusyon,
social groups
status (social status)
gampanin (roles)
Tumutukoy ang __________ sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.
institusyon
social groups
status (social status)
gampanin (roles)
Mga totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng mga aktwal na datos.
Katotohaan
Opinion
Kuro-kuro
Haka-haka
Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? Tama o Mali:
“ Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas”
Tama
Mali
Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? Tama o Mali:
“Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers”
Tama
Mali
Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? Tama o Mali:
“Kahirapan ng maraming Pilipino”
Tama
Mali
Maituturing bang kontemporaryong isyu ang pahayag na ito? Tama o Mali:
“paglaki ng popolasyon”
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod ang hindi tunay na kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
nakakatulong sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang mag-aaral
paghubog ng pagkatao bilang responsableng mamamayan ng bansa
pagkakaroon ng pagmamalasakit at pagmamahal sa bansa at mas nagiging mapagmatyag, matalino at produktibong mamamayan
wala sa nabanggit
Explore all questions with a free account